Filipino: Wika ng Pananaliksik
Agosto, buwan
ng wika. Bawat bansa ay may kanya kanyang wika upang maging instrumento sa
kanilang pakikipagtalastasan. Tayong mga Pilipino ay may wika tayong sariling
atin, ang Filipino. Nagnanais ang pagkakaroon ng sariling wika na mapagbuklod
ang mga Pilipino at maging maunlad ang ating bayan.
Kadalasan sa
wikang ingles itinuturo ang matematika at agham. Sa taong ito nagnanais ang
komisyon ng wikang filipino na mapalaganap ang wikang filipino. Sa tema ngayong
taon na “Filipino: Wika ng Pananaliksik”. Ang tema ay kumikilala sa wikang
filipino bilang midyum sa paglikha at pagpapalaganap ng karunungan at
kaunlaran. Nagnanais ang komisyon na magamit ang wikang filipino sa asignaturang
matematika at agham.
Kung ang
pananaliksik ay gagamitan ng sariling wika ito ay nagpapayaman sa kaisipan ng
isang mananaliksik o ng magbabasa. Mas maiintindihan nila at mas nananaisin
nilang mas lalong magbasa. Mas uunlad ang isang bayan kung gagamitin natin ang
wikang sariling atin sa pananaliksik. Mas mapag-aaralan nating mga pilipino ang
kasaysayan ng ating mga ninuno. Mailalahad ng ating mga ninuno ang mga nangyari
sa mga nakalipas na panahon. Mas mapag-aaralan natin kung ano ang dapat gawin
upang makamit ang pag-unlad ng ating bayan.
kay ganda ng iyong artikulo :)
ReplyDelete